mga gusali ng Maynila.  Maging ang mahaba at nakakainis na traffic ay nakatutuwang pagmasdan mula dito sa itaas.  Sabay-sabay na tumigitigil ang maraming sasakyan sa bawat eskinita  at sabay-sabay ring nagtatawiran ang napakalaking grupo ng mga tao," puna ni Althea.
           "Maganda talagang panuurin ang buong Maynila mula dito sa himpapawid, kaya nga naisip kong ipasyal kita rito," sagot naman agad ni Xander.  Nakatayong nakalipad sina Xander at Althea habang linilibot nila ang bawat maisipan nilang puntahan.  Maya-maya ay nakita ni Althea ang isang malaking karnabal.  "Pwede bang ilipad mo ako malapit sa napakaganda at napakaliwanag na karnabal na 'yon?"  tanong ni Althea kay Xander.
            "Gusto mo ba roon, halika yumakap kang mabuti at