ililipad kita ng mabilis papunta roon," sagot naman agad ni Xander.
Naramdaman agad ni Althea ang lakas ng hampas ng hangin sa kanyang maganda at medyo mahabang buhok. Nang marating nila ang malaking karnabal, tumigil sila at pinagmasdan ni Althea ang isang Ferris Wheel. Pinagmasdan niya itong mabuti. Napansin ni Xander na gustong-gustong panoorin ni Althea ang paulit-ulit na pag-ikot nito. "Mukhang gustong-gusto mo talagang panoorin ang Ferris Wheel Althea," puna ni Xander habang tinititigan si Althea sa tabi niya.
"Oo gustong-gusto ko talaga nito mula pa noong bata pa ako," mahinang sagot ni Althea. "Palagi akong dinadala rito ng mga magulang ko, mahilig rin kasi si Daddy sa karnabal. Kaya sa tuwing maiisipan niyang pumunta rito ay