ililipad kita ng mabilis papunta roon," sagot naman agad ni Xander.
            Naramdaman agad ni Althea ang lakas ng hampas ng hangin sa kanyang maganda at medyo mahabang buhok. Nang marating nila ang malaking karnabal, tumigil sila at pinagmasdan ni Althea ang isang Ferris Wheel.  Pinagmasdan niya itong mabuti.  Napansin ni Xander na gustong-gustong panoorin ni Althea ang paulit-ulit na pag-ikot nito.   "Mukhang gustong-gusto mo talagang panoorin ang Ferris Wheel Althea," puna ni Xander habang tinititigan si Althea sa tabi niya.
              "Oo gustong-gusto ko talaga nito mula pa noong bata pa ako," mahinang sagot ni Althea.  "Palagi akong dinadala rito ng mga magulang ko, mahilig rin kasi si Daddy sa karnabal.  Kaya sa tuwing maiisipan niyang pumunta rito ay 
isinasama niya kami ni mommy."
               "Ganon ba."
               "Tinuturuan ako ni daddy noong sumakay sa lahat ng mga rides dito," pagtatapat ni Althea.  "Subalit ang pinakapaborito niyang sakyan ay itong Ferris Wheel.  Pag-sumasakay kami dito dati takot na takot talaga ako at pilit kong ipinipikit ang aking mga mata.  Lalo na pag nasa pinakamataas na bahagi na kami ng Ferris Wheel.  Tapos ay bigla akong kikilitiin ni papa sa aking tagiliran para mapilitan akong buksan ang aking mga mata.  Tapos sasabihin niyang, 'Buksan mo ang iyong mga mata Althea, huwag kang matakot dapat maging matapang ka at harapin mo ang lahat ng mga hamon sa buhay.'  At pag-nagawa ko nang idilat ang aking mga mata'y sasabihin naman niyang, 'Alam mo anak ang 


buhay ay parang isang malaking Ferris Wheel lang, minsan nasa pinakamataas na antas ka at minsan nama'y nasa pinakamababa.  Subalit kahit nasaang antas ka man nabibilang, tandaang mong may kaakibat itong malaking responsabilidad sa sarili mo at maging sa iyong kapwa. Dapat matuto kang tanggapin at gampanan ito ng buong puso at kaluluwa.'  Tapos ay marahan niya akong yayakapin at hahalikan sa aking ulo.  Samantalang si mama naman ay masayang pinapanood lang kami sa baba habang kumakain ng cotton candy.  Mahilig kasi talaga siya dito.  Naging napakasaya talaga ng kabataan ko Xander, hanggang sa dumating ang malagim na araw na 'yon ng sabay na pumanaw ang aking mga magulang ."
                                              Chapter 18

              Napansin ni Xander na may luhang nangingilid sa mga mata ni Althea kaya niyakap niya itong muli.
              "Alam mo Althea mabuti ka pa nga dahil nakita mo at nakasama mo ang iyong mga magulang.  Samantalang ako wala na akong matandaan na kahit ano tungkol sa kanilang dalawa.  Namulat akong kapwa wala na sila sa aking piling. Pero ganon pa man, hindi naman ako pinabayaan ng Diyos dahil ibinigay naman niya sa akin ang mahal na mahal at napakabait kong tito, si Tito Eric.  Natatandaan mo pa naman siguro nang una tayong magkita, nagkahiwalay kaming 
dalawa nang papunta na kaming Maynila.  Kaya napilitan akong mamuhay nang mag-isa sa buhay.  Subalit dahil sa baon-baon ko ang pagmamahal at lahat ng mga pangaral ng Tito Eric ko ay nagawa kong itaguyod ang aking sarili.  Bilin sa akin noon na "Anak dapat lumaban ka sa buhay, mangarap ka, magsikap ka para makamtam mo ang iyong inaasam na tagumpay.  Tandaan mo ang lahat ng pag- tatagumpay ay nagsisimula sa isang pangarap. Abutin mo ang iyong pangarap na wala kang inaapakan, kahit sino. Dapat maging patas ka at marespeto sa iyong kapwa.'  Maya-maya ay napansin naman ni Althea ang isang naglalayag na cruise ship mula sa malayo.  Napansin  ito ni Xander kaya agad niyang inilipad papuntang karagatan si Althea.  Habang lumilipad patungo sa karagatan ay lalong lumakas ang simoy 
ng hangin.  Maliwanag pa  rin ang gabi dahil sa malaking buwan.  Pagkarating nila sa dagat ay agad na tumigil sa paglipad si Xander sa itaas ng cruise ship.  Nakita nila ang napakaraming pasaherong masayang nagkwekwentuhan, kumakain  at umiinom ng kung anu-ano.  Napakagandang pagmasdan nito na napapalibutan ng maraming maliliit na mga ilaw.  Matagal pinagmasdan nina Xander at Althea ang napakagandang cruise ship.  Ilang sandali lang ay nakarinig sila ng isang malumanay na musika mula rito.  Isang musikang kadalasang isinasayaw ng mga mga mag-sing-irog. Napansin ni Xander na nakangiting pinagmamasdan ni Althea ang mga binata at kadalagahang sumasayaw sa loob ng barko.  Kaya mula sa himpapawid ay pabulong na tinanong ni Xander si Althea ng, "Gusto mo bang sumayaw Althea?" 
Tumango lang si Althea at nginitian si Xander.  Lalong lumamig ang simoy ng hangin kaya muling yinakap ni Xander si Althea at dahan-dahan niya itong isinayaw. Sinabayan ni Xander ang malumanay na tunog ng musika na nagmumula sa barko.  Dahan-dahan siyang gumagalaw at iniikot-ikot ng marahan si Althea.  Hawak-hawak ni Xander si Althea sa kanyang balingkinitang beywang samantalang nakatingala naman kay Xander si Althea habang nakahawak ang dalawang mga kamay nito sa likod ng leeg ni Xander. Patuloy na tumutogtog ang napaka-romantikong musika. Tiningnang mabuti ni Xander ang mga mata ni Althea habang patuloy niya itong isinasayaw sa himapapawid.  Lalong napapayakap si Althea kay Xander sa tuwing mararamdaman niya ang lamig ng simoy ng hangin sa gitna