Google Xander and Althea Above the Sky
                                                                                         Back to Homepage               



                                          Chapter 16
   
           Mula sa pagkakatayo ni Xander sa may bintana, sumigaw siya ng marahan ng, "Xander!" muling lumitaw ang kanyang mga balbas at umiksi ang kanyang buhok.  Marahan siyang lumakad palapit sa kanyang kama.   Naupo siya sandali sa gilid ng kanyang Salem Bed.  Gabi na kaya nagpasyang mahiga na muna si Xander. Ano nga kaya ang gagawin ko para matanggap ni Althea ang totoo kong pagkatao.  Ano kayang paraan ang gagawin ko para mahalin niya lang akong muli.  Isip nang isip si Xandro pero wala talaga siyang maisip na paraan.  Nakatingin siya sa kisami 
habang nag-iisip nang nag-iisip.  Nanatili siyang nakahiga habang pilit na iniisip kong paano niya muling mapapaamo si Althea...   
            Habang lumilipad ay patuloy pa ring iniisip ni Xander kung paano niya muling mapapaibig si Althea sa kanya. Maya-maya lang ay nakita na ni Xander ang tirahan ni Althea.  Nanatili siyang nakalutang sa ibabaw ng bubungan ng dalawang palapag na bahay ni Althea na gawa sa kahoy. Lumipad si Xander malapit sa isang bintana sa ikalawang palapag ng bahay ni Althea.  Habang nakatayong nakalutang, 
nakita ni Xander na nakaupo si Althea at nanunuod ng TV.  Pinagmasdan niya ito habang seryosong nanonood ng paborito niyang teleserye.  Ang ganda-ganda talaga ng mahal ko kaya lang baka pag tinawag ko ito'y matakot na naman sa akin.  Nag-aalangan si Xander na magpakita kay Althea. Biglang lumingon si Althea at nakitang nakalutang na nakatayo si Xander sa labas ng kanyang malaking bintana. Tumayo agad ito at linapitan ang bintana, itinulak kaagad nito ang bintana para pagsarhan si Xander.
           “Pwede ba kitang makausap, kahit sandali lang ha althea?” tanong niya mula sa labas ng bintana nito.
            “Wala tayong dapat na pag-usapan pa,” sagot agad nito. “Alam ko na kung ano ka. Isa kang bampira.”
            “Hindi Althea, hindi ako isang vampira. Tao rin ako. 
May mga pangil lang talaga ako. Subalit tumutubo lang ang mga ito sa tuwing gusto kitang mahalikan,” paliwanag ni Xander. “Mahal kita Althea.”
              “Tumutubo ang mga pangil mo ng dahil sa akin, paano kung gusto mong humalik sa ibang babae?” tanong nito.
               “Tutubo rin ito, subalit hindi mangyayari iyan,” paniniguro niya rito. “Ikaw lang ang gusto kong mahalikan, wala ng iba pa. Ikaw lang ang mahal ko sa mundong ito Althea.” Gusto niyang sabihin rito na ang halik nito ay makakatulong upang makuha niya ang buong kapangyarihang nakalaan para sa kanya, subalit pinigil niya ang sarili dahil batid niyang kinakailangan niyang makamtan ang halik nito sa sarili nitong pagkukusa dahil pag hindi ay 
hindi ito tatalab. Subalit higit sa pagkamit ng buo niyang kapangyarihan, gusto niya lang muling makamtan ang pagmamahal nito. “Hindi ko rin alam na tinutubuan ako ng mga pangil. Nalaman ko lang din ito ng sinubukan kitang halikan sa estasyon ng train. Mahal na mahal kita Althea.” Hindi sumagot si Althea matapos ang lahat ng ipinagtapat ni Xander tungkol sa buo niyang pagkatao. Muli niyang tinawag ang pangalan ni Althea. Subalit hindi pa rin siya sinagot nito. Tinalikuran siya nito. Dahil sa pagkalungkot sa pagtalikod nito sa kanya ay lumipad paitaas si Xander at nanatili sa itaas ng bubungan nito. Nag-isip siya ng nag-isip kung paano niya muling mapapa-ibig si Althea sa kanya.

  
                                              Chapter 17


              Maya-maya ay biglang napasigaw si Althea nang pagkalakas-lakas.  "Lumilindol!  Lumilindol!  Hindi na ako makatayo, tulungan mo ako Xander!"  Biglang lumipad papasok ng bintana si Xander at agad na kinarga si Althea at mabilis na inilipad palabas ng nakabukas na bintana. Yumakap nang yumakap si Althea sa takot nito sa lindol.
            "Mahal tahan na andito na ako, ligtas ka na..." 
            "Buti na lang dumating ka, takot na takot talaga ako kanina sa loob ng bahay ko.”
      
           Muling yinakap ni Althea si Xander.  Kaya yinakap na rin ni  Xander si Althea. Unti-unting nahimasmasan na si Althea. Nakatingin ito sa mga mata ni Xander.  Tiningan din ito ni Alexander sa mga mata at nginitian.  "Kung ipasyal na lang kaya muna kita Althea.  Gusto mo bang lumipad kasama ako?" mahinang tanong ni Xander kay Althea.  Hindi sumagot si Althea kaya ipinagpatuloy pa ni Xander ang kanilang paglipad.  Nararamdaman na ni Althea ang malamig na simoy ng hangin mula sa kinalalagyan nila ni Xander. Maliwanag ang buwan,  pinagmasdan ni Althea ang buong ka-Maynilaan.  "Ang ganda pala dito sa taas Xander, nakatutuwang pagmasdan ang hilera ng mga naglalakihang