Chapter 16
Mula sa pagkakatayo ni Xander sa may bintana, sumigaw siya ng marahan ng, "Xander!" muling lumitaw ang kanyang mga balbas at umiksi ang kanyang buhok. Marahan siyang lumakad palapit sa kanyang kama. Naupo siya sandali sa gilid ng kanyang Salem Bed. Gabi na kaya nagpasyang mahiga na muna si Xander. Ano nga kaya ang gagawin ko para matanggap ni Althea ang totoo kong pagkatao. Ano kayang paraan ang gagawin ko para mahalin niya lang akong muli. Isip nang isip si Xandro pero wala talaga siyang maisip na paraan. Nakatingin siya sa kisami habang nag-iisip nang nag-iisip. Nanatili siyang nakahiga habang pilit na iniisip kong paano niya muling mapapaamo si Althea...
Habang lumilipad ay patuloy pa ring iniisip ni Xander kung paano niya muling mapapaibig si Althea sa kanya. Maya-maya lang ay nakita na ni Xander ang tirahan ni Althea. Nanatili siyang nakalutang sa ibabaw ng bubungan ng dalawang palapag na bahay ni Althea na gawa sa kahoy. Lumipad si Xander malapit sa isang bintana sa ikalawang palapag ng bahay ni Althea. Habang nakatayong nakalutang, nakita ni Xander na nakaupo si Althea at nanunuod ng TV. Pinagmasdan niya ito habang seryosong nanonood ng paborito niyang teleserye. Ang ganda-ganda talaga ng mahal ko kaya lang baka pag tinawag ko ito'y matakot na naman sa akin. Nag-aalangan si Xander na magpakita kay Althea. Biglang lumingon si Althea at nakitang nakalutang na nakatayo si Xander sa labas ng kanyang malaking bintana. Tumayo agad ito at linapitan ang bintana, itinulak kaagad nito ang bintana para pagsarhan si Xander.
“Pwede ba kitang makausap, kahit sandal lang ha althea?” tanong niya mula sa labas ng bintana nito.
“Wala tayong dapat na pag-usapan pa,” sagot agad nito. “Alam ko na kung ano ka. Isa kang bampira.”
“Hindi Althea, hindi ako isang bampira. Tao rin ako. May mga pangil lang talaga ako. Subalit tumutubo lang ang mga ito sa tuwing gusto kitang mahalikan,” paliwanag ni Xander. “Mahal kita Althea.”
“Tumutubo ang mga pangil mo ng dahil sa akin, paano kung gusto mong humalik sa ibang babae?” tanong nito.
“Tutubo rin ito, subalit hindi mangyayari iyan,” paniniguro niya rito. “Ikaw lang ang gusto kong mahalikan, wala ng iba pa. Ikaw lang ang mahal ko sa mundong ito Althea.” Gusto niyang sabihin rito na ang halik nito ay makakatulong upang makuha niya ang buong kapangyarihang nakalaan para sa kanya, subalit pinigil niya ang sarili dahil batid niyang kinakailangan niyang makamtan ang halik nito sa sarili nitong pagkukusa dahil pag hindi ay hindi ito tatalab. Subalit higit sa pagkamit ng buo niyang kapangyarihan, gusto niya lang muling makamtan ang pagmamahal nito. “Hindi ko rin alam na tinutubuan ako ng mga pangil. Nalaman ko lang din ito ng sinubukan kitang halikan sa estasyon ng train. Mahal na mahal kita Althea.” Hindi sumagot si Althea matapos ang lahat ng ipinagtapat ni Xander tungkol sa buo niyang pagkatao. Muli niyang tinawag ang pangalan ni Althea. Subalit hindi pa rin siya sinagot nito. Tinalikuran siya nito. Dahil sa pagkalungkot sa pagtalikod nito sa kanya ay lumipad paitaas si Xander at nanatili sa itaas ng bubungan nito. Nag-isip siya ng nag-isip kung paano niya muling mapapa-ibig si Althea sa kanya.
Chapter 17
Maya-maya ay biglang napasigaw si Althea nang pagkalakas-lakas. "Lumilindol! Lumilindol! Hindi na ako makatayo, tulungan mo ako Xander!" Biglang lumipad papasok ng bintana si Xander at agad na kinarga si Althea at mabilis na inilipad palabas ng nakabukas na bintana. Yumakap nang yumakap si Althea sa takot nito sa lindol.
"Mahal tahan na andito na ako, ligtas ka na..."
"Buti na lang dumating ka, takot na takot talaga ako kanina sa loob ng bahay ko.”
Muling yinakap ni Althea si Xander. Kaya yinakap na rin ni Xander si Althea. Unti-unting nahimasmasan na si Althea. Nakatingin ito sa mga mata ni Xander. Tiningan din ito ni Alexander sa mga mata at nginitian. "Kung ipasyal na lang kaya muna kita Althea. Gusto mo bang lumipad kasama ako?" mahinang tanong ni Xander kay Althea. Hindi sumagot si Althea kaya ipinagpatuloy pa ni Xander ang kanilang paglipad. Nararamdaman na ni Althea ang malamig na simoy ng hangin mula sa kinalalagyan nila ni Xander. Maliwanag ang buwan, pinagmasdan ni Althea ang buong ka-Maynilaan. "Ang ganda pala dito sa taas Xander, nakatutuwang pagmasdan ang hilera ng mga naglalakihang mga gusali ng Maynila. Maging ang mahaba at nakakainis na traffic ay nakatutuwang pagmasdan mula dito sa itaas. Sabay-sabay na tumigitigil ang maraming sasakyan sa bawat eskinita at sabay-sabay ring nagtatawiran ang napakalaking grupo ng mga tao," puna ni Althea.
"Maganda talagang panuurin ang buong Maynila mula dito sa himpapawid, kaya nga naisip kong ipasyal kita rito," sagot naman agad ni Xander. Nakatayong nakalipad sina Xander at Althea habang linilibot nila ang bawat maisipan nilang puntahan. Maya-maya ay nakita ni Althea ang isang malaking karnabal. "Pwede bang ilipad mo ako malapit sa napakaganda at napakaliwanag na karnabal na 'yon?" tanong ni Althea kay Xander.
"Gusto mo ba roon, halika yumakap kang mabuti at ililipad kita ng mabilis papunta roon," sagot naman agad ni Xander.
Naramdaman agad ni Althea ang lakas ng hampas ng hangin sa kanyang maganda at medyo mahabang buhok. Nang marating nila ang malaking karnabal, tumigil sila at pinagmasdan ni Althea ang isang Ferris Wheel. Pinagmasdan niya itong mabuti. Napansin ni Xander na gustong-gustong panoorin ni Althea ang paulit-ulit na pag-ikot nito. "Mukhang gustong-gusto mo talagang panoorin ang Ferris Wheel Althea," puna ni Xander habang tinititigan si Althea sa tabi niya.
"Oo gustong-gusto ko talaga nito mula pa noong bata pa ako," mahinang sagot ni Althea. "Palagi akong dinadala rito ng mga magulang ko, mahilig rin kasi si Daddy sa karnabal. Kaya sa tuwing maiisipan niyang pumunta rito ay isinasama niya kami ni mommy."
"Ganon ba."
"Tinuturuan ako ni daddy noong sumakay sa lahat ng mga rides dito," pagtatapat ni Althea. "Subalit ang pinakapaborito niyang sakyan ay itong Ferris Wheel. Pag-sumasakay kami dito dati takot na takot talaga ako at pilit kong ipinipikit ang aking mga mata. Lalo na pag nasa pinakamataas na bahagi na kami ng Ferris Wheel. Tapos ay bigla akong kikilitiin ni papa sa aking tagiliran para mapilitan akong buksan ang aking mga mata. Tapos sasabihin niyang, 'Buksan mo ang iyong mga mata Althea, huwag kang matakot dapat maging matapang ka at harapin mo ang lahat ng mga hamon sa buhay.' At pag-nagawa ko nang idilat ang aking mga mata'y sasabihin naman niyang, 'Alam mo anak ang buhay ay parang isang malaking Ferris Wheel lang, minsan nasa pinakamataas na antas ka at minsan nama'y nasa pinakamababa. Subalit kahit nasaang antas ka man nabibilang, tandaang mong may kaakibat itong malaking responsabilidad sa sarili mo at maging sa iyong kapwa. Dapat matuto kang tanggapin at gampanan ito ng buong puso at kaluluwa.' Tapos ay marahan niya akong yayakapin at hahalikan sa aking ulo. Samantalang si mama naman ay masayang pinapanood lang kami sa baba habang kumakain ng cotton candy. Mahilig kasi talaga siya dito. Naging napakasaya talaga ng kabataan ko Xander, hanggang sa dumating ang malagin na araw na 'yon ng sabay na pumanaw ang aking mga magulang dahil sa hindi maipaliwang na aksidente, nabangga ang menamanehong sasakyan ni papa at ni mama at sabay silang namatay, nakita na lang silang magkayakap ng mga sumaklolong pulis."
Chapter 18
Napansin ni Xander na may luhang nangingilid sa mga mata ni Althea kaya niyakap niya itong muli.
"Alam mo Althea mabuti ka pa nga dahil nakita mo at nakasama mo ang iyong mga magulang. Samantalang ako wala na akong matandaan na kahit ano tungkol sa kanilang dalawa. Namulat akong kapwa wala na sila sa aking piling. Pero ganon pa man, hindi naman ako pinabayaan ng Diyos dahil ibinigay naman niya sa akin ang mahal na mahal at napakabait kong tito, si Tito Eric. Natatandaan mo pa naman siguro nang una tayong magkita, nagkahiwalay kaming dalawa nang papunta na kaming Maynila. Kaya napilitan akong mamuhay nang mag-isa sa buhay. Subalit dahil sa baon-baon ko ang pagmamahal at lahat ng mga pangaral ng Tito Eric ko ay nagawa kong itaguyod ang aking sarili. Bilin sa akin noon na "Anak dapat lumaban ka sa buhay, mangarap ka, magsikap ka para makamtam mo ang iyong inaasam na tagumpay. Tandaan mo ang lahat ng pag- tatagumpay ay nagsisimula sa isang pangarap. Abutin mo ang iyong pangarap na wala kang inaapakan, kahit sino. Dapat maging patas ka at marespeto sa iyong kapwa.' Maya-maya ay napansin naman ni Althea ang isang naglalayag na cruise ship mula sa malayo. Napansin ito ni Xander kaya agad niyang inilipad papuntang karagatan si Althea. Habang lumilipad patungo sa karagatan ay lalong lumakas ang simoy ng hangin. Maliwanag pa rin ang gabi dahil sa malaking buwan. Pagkarating nila sa dagat ay agad na tumigil sa paglipad si Xander sa itaas ng cruise ship. Nakita nila ang napakaraming pasaherong masayang nagkwekwentuhan, kumakain at umiinom ng kung anu-ano. Napakagandang pagmasdan nito na napapalibutan ng maraming maliliit na mga ilaw. Matagal pinagmasdan nina Xander at Althea ang napakagandang cruise ship. Ilang sandali lang ay nakarinig sila ng isang malumanay na musika mula rito. Isang musikang kadalasang isinasayaw ng mga mga mag-sing-irog. Napansin ni Xander na nakangiting pinagmamasdan ni Althea ang mga binata at kadalagahang sumasayaw sa loob ng barko. Kaya mula sa himpapawid ay pabulong na tinanong ni Xander si Althea ng, "Gusto mo bang sumayaw Althea?" Tumango lang si Althea at nginitian si Xander. Lalong lumamig ang simoy ng hangin kaya muling yinakap ni Xander si Althea at dahan-dahan niya itong isinayaw. Sinabayan ni Xander ang malumanay na tunog ng musika na nagmumula sa barko. Dahan-dahan siyang gumagalaw at iniikot-ikot ng marahan si Althea. Hawak-hawak ni Xander si Althea sa kanyang balingkinitang beywang samantalang nakatingala naman kay Xander si Althea habang nakahawak ang dalawang mga kamay nito sa likod ng leeg ni Xander. Patuloy na tumutogtog ang napaka-romantikong musika. Tiningnang mabuti ni Xander ang mga mata ni Althea habang patuloy niya itong isinasayaw sa himapapawid. Lalong napapayakap si Althea kay Xander sa tuwing mararamdaman niya ang lamig ng simoy ng hangin sa gitna ng maliwanag na gabi. Napakasaya nilang dalawa sa piling ng isa't isa. “Mahal kita Althea…” marahang bulong niya sa babaeng kasayaw niya. Pagkatapos ay marahang tinanong niya si Althea, “Mahal mo pa rin ba ako Althea…”
“Ang totoo ay ay nawala na ang takot na nararamdaman ko sa 'yo mula sa aking puso, naisip ko na mahal na mahal ako ng taong ito at hindi ako kailan man makukuhang saktan nito. Mahal na mahal pa rin kita Xander," mahinang pagtatapat nito sa binata.
Nangiti si Xander sa mga narinig niya mula kay Althea. Kaya tiningnan niya ito sa mga mata. Tinitigan niya ito nang matagal na matagal. Gandang-ganda talaga si Xander sa babaeng kasayaw niya sa himpapawid. Naamoy ni Xander ang mabangong perfume ni Althea. Lalo niyang inilapit ang sarili dito. Napakabango at napakaganda talaga ni Althea. Hindi na nagdalawang-isip si Xander na tanungin si Althea nang, "Maari ba kitang mahalikan Althea?" pabulong na tanong nito kay Althea.
Hindi sumagot si Althea bagkos ay tumingala lang ito at nginitian si Xander. Inilapit pa ni Xander ang kanyang labi sa mapupulang labi ni Althea. Naamoy ni Xander ang mabangong hininga ni Althea. Pinagmamasdang mabuti ni Xander ang magandang mukha nito. Inilapit nang tuluyan ni Xander ang kanyang mga labi para halikan na si Althea. Niyakap pang muli ni Xander si Althea. Halos magkadikit na ang kanilang mga labi nang...may kumalabog, may nahulog, idinilat ni Xander ang kanyang mga mata. Panaginip lang pala lahat. Kunting-kunti na lang sana mahahalikan ko na si Althea. Sayang naman. Tumayo si Xander mula sa kanyang pagkakahulog sa sahig at linapitan ang isang malaking salamin. Tiningnan niya ang kanyang sarili mula ulo hanggang paa. Napaisip siya nang mabuti. Tama, kagaya rin ako ng ibang mga ordinaryong tao, nagsisimba, naniniwala at nanalangin sa Diyos nagkataon nga lang na nagkakaroon ako ng mga pangil. Marunong din akong umibig gaya ng iba. Marahil darating din ang araw na matatanggap rin ni Althea ang totoo kong pagkatao. Mahal na mahal ko si Althea at hindi ko hahayaang mawalay siya sa aking piling. Alam kong mahal rin ako ni Althea, kailangan ko lang sigurong bigyan siya nang sapat na panahon para mapag-isipan at maunawaan ang lahat.