buhay ay parang isang malaking Ferris Wheel lang, minsan nasa pinakamataas na antas ka at minsan nama'y nasa pinakamababa.  Subalit kahit nasaang antas ka man nabibilang, tandaang mong may kaakibat itong malaking responsabilidad sa sarili mo at maging sa iyong kapwa. Dapat matuto kang tanggapin at gampanan ito ng buong puso at kaluluwa.'  Tapos ay marahan niya akong yayakapin at hahalikan sa aking ulo.  Samantalang si mama naman ay masayang pinapanood lang kami sa baba habang kumakain ng cotton candy.  Mahilig kasi talaga siya dito.  Naging napakasaya talaga ng kabataan ko Xander, hanggang sa dumating ang malagim na araw na 'yon ng sabay na pumanaw ang aking mga magulang ."